Thoughts.. Rants.. Raves..

Search This Blog

Thursday, July 16, 2009

Thoughts at My Previous Work

I'm the type who loves to scribble/type whatever it is that's inside my head. Everywhere I go, I always have a small notebook and pen so I can write each idea that will pop.

I'll put 3 compositions, more of thoughts, that I typed while I was still working at Maersk. The following were written in Filipino, my native tongue.. :)



- 2008 March 31 -

Nagsasawa na ako sa buhay ko. Wala na kasing bago. Parang lahat na lang ng gawin ko, kulang.. Kung hindi naman, wala akong ginawang tama.

Makailang beses ko na bang tinangkang kitlin itong buhay ko? Pinigilan kong humiya, naglaslas ng pulso... Pati nga ang pekein ang isang aksidente sa motorsiklo, ginawa ko na. Lahat para lang wakasan lahat ng nararamdaman kong sakit, hirap... at higit sa lahat, kabiguan.

Duwag kasi ako. Takot ako sa lahat ng bagay na nakapagdudulot ng sakit. Duwag akong madapa ulit. Nagtatapang-tapangan lang ako para hindi nila ako masaktan. Nagsusuot ng maskara para walang makakita ng mga kahinaan ko...

Kagabi, muli kong pinangarap kung paano ang magiging wakas. Kahit sa magiging huling araw ko, may pangarap ako. Mababaw lang naman ang mga 'yun. Pero pangarap ko talaga na: makakain ng relyenong bangus mula umaga hanggang gabi, magpunta sa park para manood lang ng mga tao, tumakbo hanggang sa bumagsak na lang sa pagod... at higit sa lahat, ang hindi na muling magising pa galing sa pagtulog.

Oo, larawan ako ng isang tao na duwang at sawang-sawa na sa buhay. Patapon na ako kaya anuman ang gawin ko ay wala ng magbabago.

- 2008 April 19 -

Mahigit isang buwan na pala. Matagal na pala kaming hindi nag-uusap ng mga magulang ko. Anong masasabi ko? Masaya pala 'yon... Masaya dahil walang nakikialam sa'yo. Walang nagagalit. Kahit sa tingin ng iba, masama ang tikisin ang sariling magulang, mas gusto ko na ito kaysa lagi na lang masisi sa mga kasalanang 'di ko naman ginawa.

Sawa na kasi akong masisi. Sawa na akong marining kung paano akong nabuo, kung paano naging sila. Nakaririndi na kasi ang ganung mga pangungusap. May hangganan ang kaya kong intindihin...

Kaya ngayon, hirap ako. Hirap akong matulog. Hirap akong pagkasyahin 'yung sweldo ko. Hindi naman kasi pwedeng basta na lang kumuha ako sa nakatago. Mahirap ipaliwanag iyon eh.

Paano mo ipapaliwanang yung sa ibang paraan mo nakuha?

Kaya heto ako ngayon, nagpupumilit magpakasimple kahit nasanay sa maluhong pamumuhay. Sa dinami-dami ng luho ko, iilan na lang ang natitira... Ang sakit sa ulo. Higit sa lahat, ang hirap tanggapin...

- 2009 January 8 -

Bagong taon, bagong buhay. Bagong grupo, bagong mga kasama... Dapat masaya. Dapat walang mga pinagsisisihan. Kung ano ako ngayon ay epekto o resulta ng mga naging desisyon dati.

May mga plano ako ngayong taon. Mga planong 'di ko alam kung matutupad ko. Kasi ba naman, pinangungunahan ng kung anu-anong takot at kaba. Pwede kayang isantabi muna ang mga takot at harapin ng may lakas kung ano man ang parating?

Mas makabubuti kayang biglain ang pagkakataon para walang oras ng masayang sa pag-iisip? Napapansin ko kasing mas madalas na puro isip lang bago iyong mismong gawa. Kaya ang resulta? Wala... Sa kaiisip kasi nauubos ang oras ko eh!



There... 3 different dates... different thoughts, different rattles and rambles...
I might not post or visit this site regularly.
I'm already done with my own site and have already posted my blogs there.

Please click on the banner above to visit my new site.

Thanks! :)

Eyeglasses

http://www.hieyeglasses.com

Designer Prescription Eyeglasses on all year round sale. Eyeglass Frames and Reading Glasses by Chanel, Emozioni & Oakley available with Free Shipping. Your One Stop Eyeglasses Store.