Thoughts.. Rants.. Raves..

Search This Blog

Friday, June 12, 2009

suspension 101

masarap pala ang mabakasyon sa trabaho.

dahil sa suspension ko, natapos kong basahin yung ilang libro ko na matagal ko ng nabili. bukod dun, nagawa ko ring i-update ang blogs ko... lol

2 araw ang suspension ko. sa 2 araw na yun, madami-dami naman akong mga nagawa. nakapag-focus ako sa training ko. nakapagsulat akong muli. pati ang kitain ang mga long lost friends ko, nagawa ko din.

sa susunod na masuspend ako (yun ay kapag naibaba na yung 3day suspension ko), ito naman ang mga gagawin ko:
1. tatapusin yung isa sa mga likha kong istorya. madami kasing di na nakaalis sa gitna.
2. lilinisin ko yung kwarto ko. ibig sabihin, magbabawas na ako ng mga memento o di kaya papalitan yung mga naka-display. dahil sa pagiging pack rat ko, lahat na lang itinago ko..
3. ipa-polish ko yung dagger collection ko... at kukulitin ko yung ilang kaibigan ko na ibalik na nila yung mga daggers kong hiniram nila...

tama na muna yung 3... isang gawain kada araw na suspended ako sa trabaho...

sa totoo lang, di ako natutuwa sa pagkakasuspindi ko... e ano namang choice ko? kesa magmukmok, e di gawin na lang kapaki-pakinabang yung mga araw, di ba?
I might not post or visit this site regularly.
I'm already done with my own site and have already posted my blogs there.

Please click on the banner above to visit my new site.

Thanks! :)

Eyeglasses

http://www.hieyeglasses.com

Designer Prescription Eyeglasses on all year round sale. Eyeglass Frames and Reading Glasses by Chanel, Emozioni & Oakley available with Free Shipping. Your One Stop Eyeglasses Store.