Thoughts.. Rants.. Raves..

Search This Blog

Tuesday, May 20, 2008

Nag-aalab na Tubig

Mahirap maging palaisip. Lahat kasi ng bagay, gagamitan mo ng utak. Kahit mga bagay na dapat puso na ang mamimili, utak pa rin ang gamit ko.

Dati inisip kong di na ako mahuhulog ulit. Ilang beses na ba kasi akong nasaktan? Ilang beses na ba akong nabigo? Kaya nga tumagal na ng dalawang taon akong nagsosolo.


Pag solo kasi, magagawa ko lahat ng gusto ko. Inom, yosi... gimik... Mamasyal mag-isa. Manood ng mga tao... Magwala. Dahil mag-isa lang ako, walang pwedeng magdikta ng gagawin ko.


Pero nung dumating siya, tila muling nag-alab ang mga damdamin kong katulad na ng tubig: dumadaloy.. walang sariling porma.


Ginulo niya ang tahimik kong mundo. Ginising nya ang mga damdaming inakala kong wala na ako..


Pero gaya ng mga nauna, nawala na rin siya. Para bang pinatunayan lang sa akin na tao pa rin akong pwedeng mahulog, magmahal..


Muli na namang nag-alab ang tubig.

Kasunod nito ang muling pagyelo ng mga damdamin...

I might not post or visit this site regularly.
I'm already done with my own site and have already posted my blogs there.

Please click on the banner above to visit my new site.

Thanks! :)

Eyeglasses

http://www.hieyeglasses.com

Designer Prescription Eyeglasses on all year round sale. Eyeglass Frames and Reading Glasses by Chanel, Emozioni & Oakley available with Free Shipping. Your One Stop Eyeglasses Store.