Galing ako sa isang pamilyang devout Catholics. Nung bata ako, linggo-linggo kung magsimba kaming mag-anak. Masaya naman yung mga pagsisimbang yun kahit alas-sais pa lang ng umaga kung gumising kaming lahat para mag-gayak at magsimba. Pagkatapos kasi nun, papasok pa ang mga magulang ko sa trabaho. Kung wala naman silang pasok, mamamasyal na kami.
Nung nagkaisip na ako at nakatuntong sa antas ng high school at kolehiyo, nagsimula na akong tanungin yung ilang mga bagay tungkol sa faith ko. Ito yung mga panahon na halos linggo-linggo ay nasa simbahan ako, miyembro ng Lehiyon ni Maria, nagtuturo ng gospel sa mga bata, etc. Sa eskwelahan naman, dahil Catholic school yun, masasabing in depth ang pagtalakay sa mga sakramento at turo ng simbahang Katoliko.
Tinanong ko ngayon ang sarili ko: Katoliko ba ako dahil lubos ang paniniwala ko sa relihiyong ito? O Katoliko ako dahil lang sa dito ako bininyagan nung bata pa ako?
Kung tutuusin kasi, ang pagiging Katoliko ay hindi lang nakikita or nasusukat sa lingguhang pagsisimba, pagkukumpisal at pagdarasal. Para sa akin kasi, para masabi mong Katoliko ka, dapat sinusunod mo lahat ng kautusan ng Simbahan. Higit sa lahat, dapat 'andun yung paniniwala mo sa lahat ng turo nila. In my case, hindi ako ganun.
May mga gawi at turo ang Simbahang Katoliko na nagdadalawang-isip ako. Gawa siguro ng mga nabasa kong iba't ibang libro kaya nagawa kong mag-isip ng mga kung anu-anong bagay na lihis sa mga itinuro sa Christian Living Education, Morality, Values at Theology.
Dahil sa mga katanungang iyon, may tatlong taon na akong hindi nagsisimba. Kaya ang laki ng irita ko nung Biyernes, ika-5 ng Hunyo. May attendance ang pag-attend sa misa sa City Hall pagkatapos ng training namin... Kinailangan kong um-attend dahil kung hindi, magmumulta ako ng limandaang piso.
Nakakainis yun. Ang pagsisimba kasi ay dapat bukal sa loob mo. Hindi mo siya dapat ipilit sa ibang tao. Bukod dun, kung napilitan ka lang, hindi tatatak sa'yo ang Ebanghelyo. Hindi mo rin pakikinggan mabuti ang sermon, lalong hindi ka magbibitaw ng mga salitang "Peace Be With You"... kasi 'yung buong oras na nasa misa ka, 'yung irita mo ang nasa isipan mo..
Hay.. sana talaga hindi na lang ako um-attend last Friday. Pakiramdam ko kasi lalo lang akong nagkasala dahil nasa misa nga akong naturingan, wala naman dun ang puso't isipan ko... :(
Thoughts.. Rants.. Raves..
Search This Blog
I might not post or visit this site regularly.
I'm already done with my own site and have already posted my blogs there.
Please click on the banner above to visit my new site.
Thanks! :)
I'm already done with my own site and have already posted my blogs there.
Please click on the banner above to visit my new site.
Thanks! :)
Eyeglasses
Designer Prescription Eyeglasses on all year round sale. Eyeglass Frames and Reading Glasses by Chanel, Emozioni & Oakley available with Free Shipping. Your One Stop Eyeglasses Store.