Thoughts.. Rants.. Raves..

Search This Blog

Saturday, November 3, 2007

masarap magmahal, mahirap masaktan

ano bang nakukuha natin kapag nagmamahal tayo? ano bang dahilan natin para magmahal? tayo ba'y nagmamahal dahil yun ang nararamdaman natin para sa taong iyon? o nagmamahal tayo dahil yun ang tawag ng panahon?
marami na ang nasaktan dahil sa pagmamahal na yan! buong loob kong sasabihin na isa ako sa mga yun. isa ako sa mga nagmahal. nagmahal ako ng lubos. pero nasaktan lang din ako.


masarap magmahal. nakakakilig kapag nakakarinig ka ng mga "sweet" na salita. . . kapag naririnig mong sinasabi nya sa iyo na mahal ka nya. pero hindi ba mas maganda kung nararamdaman mo rin?

mas masarap kapag nararamdaman mo yung pagmamahal na nararamdaman nya para sa'yo. yung tipong, alam mo kung ano man yung dapat mong malaman. alam mo kung saan ka nakalugar. pag nagmamahal ka kasi, nandun yung ligaya. lalo na kapag nararamdaman mo ang halaga mo sa kanya.


pero, pano kung ang pagmamahal na nararamdaman nya sa yo ay isang kasinungalingan??? just an ephemeral feeling you believed to be real? masaya ka pa rin ba? hindi na, di ba?
kapag nasaktan ka na, mahirap kumawala. iba't ibang emosyon ang maaari mong maramdaman. nandyan, ang magalit ka, umiyak, magsisi, at maghinayang. minsan, talo ka pa kung yung galit ang pinairal mo.
sabi nga nila, move on.

but moving on is difficult. lalo na kung you've shown that person who you really are. ang hirap tanggapin na yung pinagkatiwalaan mo ng iyong buong pagkatao ay nagawa kang saktan. how could you move on when you know you left a part of you to that person?
mas mahirap kung huli na ng malaman mo kung ano ka lang sa kanya. mahirap kung nagago ka.

mahirap kung malalaman mong iba ang totoong ugali nya. masakit dahil youve gambled for the wrong love. tama?

reposted - originally created October 11 2004
I might not post or visit this site regularly.
I'm already done with my own site and have already posted my blogs there.

Please click on the banner above to visit my new site.

Thanks! :)

Eyeglasses

http://www.hieyeglasses.com

Designer Prescription Eyeglasses on all year round sale. Eyeglass Frames and Reading Glasses by Chanel, Emozioni & Oakley available with Free Shipping. Your One Stop Eyeglasses Store.