Thoughts.. Rants.. Raves..

Search This Blog

Sunday, November 4, 2007

ayoko nang

ayoko nang makarinig
puro mga sumbat lang naman e
maramot at bihira ang papuri

ayoko nang makakita
wala na kasing maganda
lahat para sa akin ay pangit na

ayoko nang magsalita
nakakasakit lang daw ako e
masakit kasi malaman ang totoo

ayoko nang mangarap
mahirap mabigo at umasa
mahirap umahon kapag bumagsak na

ayoko nang mag-isip
puro na lang daw kasi utak.
di daw ba pwedeng puso naman?

ayokong mahulog ulet
nakakailang hulog na ba kasi ako?
sa lahat ng iyon, wla namang sumalo

pinaka-ayokong gawin ngayon...
makaramdam ng kahit anong damdamin
mas mabuti nang manhid kesa iyakin!
I might not post or visit this site regularly.
I'm already done with my own site and have already posted my blogs there.

Please click on the banner above to visit my new site.

Thanks! :)

Eyeglasses

http://www.hieyeglasses.com

Designer Prescription Eyeglasses on all year round sale. Eyeglass Frames and Reading Glasses by Chanel, Emozioni & Oakley available with Free Shipping. Your One Stop Eyeglasses Store.