Thoughts.. Rants.. Raves..

Search This Blog

Sunday, November 4, 2007

isang bukas...

nakita kita kanina... masaya, nakangiti... ewan ko kung bakit, pero tila may kurot sa aking damdamin. parang masakit sa akin ang makita kang masaya.

sinubukan kong lumayo sa'yo. sinubukan kong sundin ang ipinayo mo. nakakapagtaka, kahit anong landas man ang piliin ko... ikaw palagi ang nasa dulo.

nung una, sinubukan kong ayusin pa ang gusot. nung una tayong magtagpo pagkatapos nating magkalayo, kinausap pa kita. nilingon mo lang ako, nginitian. pagkatapos, nawala kang muli. hindi na kita hinabol dahil alam ko, sariwa pa rin ang sugat na iniwan ng kahapon.

mahirap palang ibalik ang nakaraan. napatunayan ko yun nung ilang beses din tayong nagkita... nag-usap... nag-iwasan... sadyang matagal maghilom ang sugat na iniwan sa puso.

ngayong muli kitang nakita, hindi na ako lalapit sa'yo. hindi ko na susubukang muling ibalik ang kahapon. sabi mo nga, nakalipas na iyon. bukas... yun ang meron ako...

tama ka. meron akong bukas... hindi ko na dapat ibalik ang kahapong lumipas na. dapat ko nang harapin ang bukas... isang kinabukasang wala ka...

reposted - originally created May 14 2005
I might not post or visit this site regularly.
I'm already done with my own site and have already posted my blogs there.

Please click on the banner above to visit my new site.

Thanks! :)

Eyeglasses

http://www.hieyeglasses.com

Designer Prescription Eyeglasses on all year round sale. Eyeglass Frames and Reading Glasses by Chanel, Emozioni & Oakley available with Free Shipping. Your One Stop Eyeglasses Store.