Thoughts.. Rants.. Raves..

Search This Blog

Sunday, November 4, 2007

lipas na..

kanina naisipan kong ayusin lahat ng mga notebook ko... inisa isa kong tingnan kung ano sa mga istoryang nasa isipan ko ang tapos na at hindi... isa-isa, binasa ko... isa-isa, inaalala ko yung dahilan, rason, para kanino, at para saan yung mga sinulat ko...

madami dami na rin akong nabasa nung mabaling ang tingin ko sa isang gawa ko na nilaan ko para sa kanya. oo... sa kanya... sa kanya na naging dahilan ko upang muling maging isang tanga. oo tanga. nakakatuwa, di ba?

heto un...:

***********************

tulala. nag-iisip. ganyan ako madalas. ikaw kasi e. bigla kang dumating. gusto kong isisi sa'yo lahat. gusto kong magalit sa'yo. sa totoo lang, ang dami kong gustong sabihin sa'yo. 'yun nga lang, hindi ko alam kung san ako magsisimula.

simulan ko kaya sa gitna? sa dulo? ay... di pa pala pwede. dahil hanggang ngayon, wala pang dulo. wala pang nararating na iba...

magulo, di ba? ganyan naman kasi tayo eh. magulo. sobrang gulo. nagsimula pero hindi umuusad. nung una, inisip kong "taking time is the right thing to do". nung una, masaya ako. nung una, naaaliw ako... nung una lang yun. matagal na rin tayong ganito eh. nagsasawa na rin ako. 'yung pagkaaliw ko, napalitan ng pagka-inip. 'yung kasiyahan ko, napalitan ng pagka-asar.

alam mo, naguguluhan na ako. nalilito na ako. di ko na alam ang gagawin ko. alam ko kasi, mahal na kita. alam ko ring para sa akin, importante ka... di ko lang alam kung hanggang kailan. ramdam ko kasing malapit na ako sa dulo. malapit na akong bumitaw...

oo, bumitaw. pakiramdam ko kasi, pagdating sa'yo, daig ko pa ang nakabitin sa isang matarik na bangin.

***********************

hanggang diyan lang nagawa ko. hindi ko na nagawang tapusin. bumitaw na kasi ako. napagod na ako sa kakahintay... mahirap atang mahulog ng walang sumasalo. mahirap kumapit ng walang kinakapitan...

ang nagawa kong yun ay pruweba na lamang ng isang lipas na damdaming di na nagawang suklian... :(

reposted - originally created March 5 2005
I might not post or visit this site regularly.
I'm already done with my own site and have already posted my blogs there.

Please click on the banner above to visit my new site.

Thanks! :)

Eyeglasses

http://www.hieyeglasses.com

Designer Prescription Eyeglasses on all year round sale. Eyeglass Frames and Reading Glasses by Chanel, Emozioni & Oakley available with Free Shipping. Your One Stop Eyeglasses Store.