Thoughts.. Rants.. Raves..

Search This Blog

Saturday, November 3, 2007

sa pagpaparaya...

mali ba ang mag-give way para sa isang kaibigan? mali bang pakawalan ang taong mahal mo dahil alam mo para sa isang kaibigang noon lang natutong magmahal?

masakit na ang ulo ko. nahihirapan na ako. masakit at mahirap pakawalan ang taong mahal mo. pero iba ako. mas gusto kong pakawalan ang mahal ko para sa kaibigan ko. mali ba iyon?

hanggang ngayon, dala ko pa rin 'yung alaala nung taong pinakawalan ko. hanggang ngayon, napapaginipan ko kung gaano kasakit ang iwan siya para magbigay daan sa kaibigan ko. kasalanan ba 'yun?

para sa akin, mas mahalaga ang kaibigan. madaling magmahal, mahirap makakita ng isang tunay na kaibigan. pero tunay bang kaibigan ang matuturing mo sa taong hiniling na angkinin ang mahal mo? kahit na noon pa, alam nyang 'yung taong 'yun ang itinatangi mo?

ang gulo noh? pero talagang ganito ako. kaya ngayon, naririnig ko ang sumbat ng taong dati ko nang minahal. hindi daw siya masaya sa piling ng kaibigan ko. ako pa rin daw ang mahal nya. sakit ng ulo! sakit ng puso!

kung tatanungin ko kayo, masama ba ang magparaya? mali ba ako?

reposted - originally created October 21 2004
I might not post or visit this site regularly.
I'm already done with my own site and have already posted my blogs there.

Please click on the banner above to visit my new site.

Thanks! :)

Eyeglasses

http://www.hieyeglasses.com

Designer Prescription Eyeglasses on all year round sale. Eyeglass Frames and Reading Glasses by Chanel, Emozioni & Oakley available with Free Shipping. Your One Stop Eyeglasses Store.